Biyernes, Agosto 11, 2017

Komunikasyon at Pananaliksik sa Kultura at Wikang Pilipino

 Image result for wikang pambansa ng pilipinas


MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

     Si Michael Alexander Kirkwood ay nagbahagi ng pitong tungkulin ng wika. Siya ay isang bantog na iskolar mula sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. 

     Ang pitong tungkulin na inisa-isa ni Kirkwood ay ang mga sumusunod:


1. INSTRUMENTAL

- Ang tungkuling ito ay tumutugon sa pangangailangan ng tao kagaya ng pakikipag- ugnayan sa kapwa.

Halimbawa:
      Paggawa ng liham pangangalakal, pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto liham sa patnugot.

Image result for message letters


2. REGULATORYO

-  Ang tungkuling ito sa ating wika ay ang pagbibigay ng direksiyon sa anumang bagay. Ito ay ang pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.

Halimbawa: 

Direksiyon sa pagkain, lugar, tao, at iba pa.

Image result for directions               

3. INTERAKSIYONAL

-   Sa tungkuling ito, naipapakita ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.

Halimbawa: 
        Pakikipagkaibigan

Image result for friends
                                                          


4. PERSONAL

-  Naipapahayag dito ang damdamin at mga sariling opinyon ng isang tao.

Halimbawa: 
         Pagsulat ng talaarawan, reflection papers o mga journals.  
                                                                               
Image result for diary


5. HEURISTIKO


- Pagkalap ng mga impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag- usapan. 

Halimbawa: 
  Pakikinig sa radyo, pagtatanong o pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-usapan.


Image result for interview\



6. IMPORMATIBO

-  Ito ay ang pagbibigay o paglalahad ng mga impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.


Halimbawa: 

   Pag-uulat ng balita,panayam, tesis o pagtuturo.
                                                                             
Image result for report


7. IMAHINATIBO

- Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya.

Halimbawa: 
Tula, maikling kuwento, epiko, alamat at iba pa.

Image result for tula tagalog





MGA PARAAN SA PAGBABAHAGI NG WIKA

    Si Roman Jakobson(2003) isa sa mga pinakamagaling na na dalubwika ng ikadalawampung siglo ay nagbahagi rin ng ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika. Ito ay ang mga sumusunod:


1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)

- Pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.

Halimbawa: 

     Related image



2. Panghihikayat (Conative)

-     Gamit ng wika upang makapanghikayat at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos o pakikiusap.

Halimbawa: 

Image result for mga babala sa pampublikong lugar



3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)

- Paraan ito para ang mga tao ay makipag- ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.

Halimbawa:


Related image




4. Paggamit bilang sanggunian ( Referential)

- Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe.


Related image


5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)

- Pagbibigay ng komento sa  isang kodigo o batas, Ginagamit ito upang lumilinaw ang mga suliranin .

Halimbawa:
    Related image 


6. Patalinghaga (Poetic)

- Masining na pamamaraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.

Halimbawa:
    Related image